Finally ! after four years nakapag post na din ulit dito sa blog haha biruin mo naman 19 years old pa ako sa bio ko , Grabe masyado ba akong naging busy sa pagiging college sa apat na taon na yon ngayon ko lang naisipan magpost ulit sa blog grabe ang sarap balik balikan ng mga naka post dito, biruin mo nasabi ko pala noon lahat ng mga nakapost dito aba, ang laki pala ng galit ko talaga sa mundo noon huling post ko moving on pa din sa ex ko na 5 or 6 years ago na ang naka lipas yung totoo? haha Tama nga sila pag nabasa mo ulit yung mga ka emohan at kadramahan mo noon matatawa ka nalang at matatanong mo sa sarili mo nasabi ko pala noon to ? Napaka immature at napaka childish HAHA
But finally ngayon na magpopost ako magandang balita na pala ang dala ko,kung dati puro poot at galit ang laman ng puso ko pero ngayon may maiishare na ako na magandang mga nangyari sa buhay ko. Una sa lahat salamat kay Lord, family at friends ko dahil sa ngayon madami na din akong natutunan sa buhay na hindi ko inaakala na malalaman ko. Salamat dahil sa taong 2016 graduating na ako ng college sino ba naman mag aakala na yung dating bigo lagi sa lovelife at mahina ang loob na laging negative sa buhay ay magiging masaya na ngayon at malapit ng harapin ang tunay na kahulugan ng buhay. Sobrang salamat talaga.
Ikalawa, kahit ilang beses man ako nabigo sa larangan ng pag-ibig sa wakas nakilala ko na din yun lalaking tunay na magmamahal saakin bale malapit na din kaming mag tatlong taon ngayon 2016 :) Salamat at nakita ko din yung taong kayang tanggapin at unawain ang pagkatao kong magulo at pa iba-iba ang pag-iisip na kung minsan mahirap intindihin. Tama nga sila na dadating din yung para sayo :D basta kagustuhan ng Maykapal ay kusang darating.
Ikatlo, nalaman ko na sa buhay madami ka talagang pagsubok na pagdadaanan, pero hindi ibig sabihin doon nalang titigil ang lahat kasi sa lahat ng hirap na dinanas mo magbibigay ng aral sa buhay mo meron mabigat at meron naman tama lang pero lahat naman ng iyon malalagpasan natin tiwala lang. Walang susuko :)
PS: Palagi lang tayong magtiwala sakanya at sinisigurado ko na magiging maayos ang lahat sa buhay mo.
No comments:
Post a Comment