Pag nagmahal ka hindi mo dapat ibigay lahat lahat dahil masasaktan ka lang. Madalas kasi nasasaktan tayo kasi palagi nalang tayo umaasa, kaya pag hindi natupad o natuloy nasasaktan ka, maiiyak ka nalang sa isang tabi at magmumukmok at ayaw mong kumausap ng ibang tao, Yung gusto mo nalang mapag isa. Minsan nga ayaw mo nalang magpakita sa ibang tao kasi umiiwas ka na baka tanungin ka nila kung may problema ka ba o anong meron sayo ?
Kagaya ngayon, para sa konting oras lang na hinihingi ko, hindi pa maibigay ano ba naman ang isang araw, e sa halos araw araw sa buhay ko wala na akong inalala kundi puro nalang school works, nakaka stress na talaga, tapos ngayong araw sana magkikita tayo sasabihin mo saakin na sorry kasi di tayo magkikita, edi wow, totoo talaga na pag LDR ang hirap talaga gusto mo lagi siyan makasama pero wala e, wala kang magawa kasi kahit ikaw gusto mo siya makasama, e kung siya hindi naman ganon ka willing para makasama ka edi wala din. Nganga kayong dalawa, sabihin mo man hindi sumama ang loob dahil ayaw mo ng mag-away kayo kasi sa bandang huli ikaw nanaman ang aawayin at sasabihin hindi ka maka intindi sa dahilan niya edi "OO" nalang para walang away.
Kailangan mo nalang talaga magpakumbaba at magpanggap na manhid para di na lumala pa ang away ng dahil lang sa hindi nagpunta. Ganyan kayo e mahilig kayo magpaasa pero pag nagalit ang babae makikisabay din kayo sa galit namin.
Effortless kana, samantalang pag ako laging handang gawin lahat para sayo, by the way di ako nanunumbat sinasabi ko lang nararamdaman ko, ang sakit lang kasi