
Last night 18th debut ni Jizel :) and sa pansol to ginanap overnight swimming with her relatives haha nung una kaming dalawa lang ni tep yung andun wala pa si moka nun kasi may pasok pa siya :> sumunod nalang siya nung gabi naedi ayun nag swimming swimming muna kami Floating Lesson ni Master Stephanie haha ayun nanakit lang leeg ko eh at naka inom ako ng madaming tubig sa pool pero infairness hot spring ang water haha kaya masarap magbabad di ka giginawin haha super kaen din kami kapalan na talaga ng mukha di na kasi uso mahiya eh haha ganon talaga ilang years na kaming magtotropa kaya sanay na talaga sa isa't isa haha super kanta kami ni tep dun eh halos di na kami lumayas dun sa harapan ng videoke haha lahat ng kanta sa song book eh halos nailagay na namin eh adik lang haha ! Mula nung umalis si zel para sunduin si moka eh pag balik andun pa din kami eh naka 50 songs ata kami haha F na F namin eh no sulit naman ang bayad haha !
Maya maya lang eh dumating na si Moka ayun kumaen muna siya then dun na nag start ang SESSION haha! Bumili na si Zel ng GSM yung pinaka malaki isang shot lang si zel kasi di na daw sya sanay uminom so kaming tatlo ang umubos nun haha usapan di uubusin pero napasarap sa pag inom ayun naubos namin wahaha , grabe lang 70 shots daw nainom namin eh lupet haha, take note pag lasing ako ang lupet haha lahat ng mataas na kanta kaya kong kantahin haha ang kapal ng mukha ko lumabas talaga yung tunay na galing ko sa pagkanta nung nalasing ako ACHIEVENT DUDE! haha , ayun nung naubos na namin yun iba na nararamdaman ko nung una akala ko hindi ako nalasing wew, pag tayo at pagpasok ko sa kwarto eh dun na nagsimula ang pag-iyak at pag tawa ko lumabas lahat ng sakit na nararamdaman ko eh na pilit kong tinatago dahil ayoko ng umiyak ng dahil sa lalaki kasi di naman sila deserving para pag aksayahan ng luha kaso wala magagawa eh lalaba at lalabas ang totoo .
Grabe nakadapa ako sa kama habang umiiyak at tumatawa eh tapos naglalabas ako ng sama ng loob ko haha. Dahil dun ayun nahulog ako sa sahig tapos nauntog sa pader at sa sahig ayun = BUKOL haha sakit nga hanggang nagyon eh haha, ayun buti andun sila mahal,tep at zel para kausapin at alalayan ako, grabe nagsuka ako as in grabe ayoko na ng ganung feeling pero I admit lumabas lahat ng sakit na na nararamdaman ko eh at ayun naging okay naman ako . Then nung nagwawala ako at naglalabas ng sama ng loob sabi nila "Lalaki lang yan Ays." Hindi siya kawalan sabi ni mahal moka "kung mahal ka talaga niya hindi ka niya iiwanan, ibig sabihin lang non hindi totoo yung mga pinakita niya sayo." nung narinig ko na sinabi ni mahal yan eh parang bigla akong natauhan eh. Tapos si mahal din ayun nag emote din grabe iyakan portion kaming dalawa eh haha , ang high namin eh ang sweet ko pag lasing eh haha! sobrang tagal nawala ng amats ko as in grabe ramdam ko nga na hirap na hirap sila eh pero di pa din nila ako pinabayaan love you guys ! :*
Ayun hanggang sa mahimasmasan na kami ni mahal moka eh ayun nakapag heart to heart talk na kami hanggang umaga na yun wala ngang tulugan talaga haha pero atlis sulit ang bonding at masaya naman talaga :)) .. sana sa susunod ulit
-Happy 18th Birthday ulit Jizel A. Salvatierra :) <3
No comments:
Post a Comment