Ma-effort din ang mga lalaking babaero.
- Nagpapaload araw-araw ‘yan para matawagan ka.
- Ibibigay ang lahat ng oras niya, para makasama ka niya. Kahit na boring ka pang kasama, pagtya-tyagaan ka niya.
- Laging kang bobolahin niyan. Syempre gusto mo siya, kaya maniniwala ka at kikiligin ka pa.
- Lagi kang ittreat niyan. Kahit anong gusto mo, sagot niya!
- Nililigawan ka na niya, nanliligaw pa ‘yan ng iba.
- Pa-iba-iba tawag sa’yo. “Babe, hon, sweetie.” Way niya ‘yun para magustuhan mo siya lalo. Nagpapa-impress siya syempre!
- Idadaan ka lagi sa mga gifts.
- Kung nanliligaw sa’yo ang lalaking manloloko/babaero, lagi kang kukulitin niyan kung kailan mo siya sasagutin.
- Parang may something fishy kapag ipapakilala ka niya sa mga friends niya. May magtatanong sa kanyang, “Ano mo siya?” Hindi niya alam ang isasagot niya. Pero para sa’yo, ang importante dun, pinakilala ka sa niya sa mga friends niya.
Oha, ang effort niya no? Kaya sa panahon ngayon, tayong mga girls, tama lang magpaka-hard-to-get o kaya ay magpakipot sa kanila. Kasi, kahit 100% niyang pinapakitang gusto ka niya, ang tanong, totoo naman kaya? Kaya minsan, sinasamahan nilang effort at pagseseryoso para maging makakatotohanan ang panloloko niya sa’yo. Eto ang way nila para makuha ka niya o kaya para madagdag ka niya sa mga collections niya. Kaya ‘wag na ‘wag agad magpapaniwala, dahil ikaw rin. Kapag naloko ka ng lalaking playboy, parang nakakabawas ‘to ng pagka-babae. Kaya ‘wag agad bibigay, kahit na gustong-gusto mo ‘tong lalaking ‘to. Aanhin mo ang lalaking babaero kung hindi lang ikaw ang babaeng niloloko niya?
(source :misskatrinarose)
No comments:
Post a Comment