Friday, March 23, 2012

Ano ba ang dapat mong piliin ang taong gusto mo o ang taong mahal ka ?

Ano ba talaga ang dapat kong piliin ?

Ang taong gusto ko
- Gusto mo nga siya pero di niya nakikita yung EFFORTS mo para sakanya, at walang kasiguraduhan kung gusto ka din niya o sadyang friendly lang siya sayo at parang kapatid ang turing sayo, Yung taong gusto mo na kapag hindi ka pa nauna magtext sakanya hindi ka niya itetext. Yung taong gusto mo na ikaw ang magpapasaya at magpapatawa sakanya. Yung taong gusto mo na kahit puyat ka na kakahintay sakanya makausap mo lang siya, kahit yung mata mo nananakit na sa katitig sa wall mo mag post lang siya. Kapag may inutos siya susundin mo kasi nga gusto mo siya eh .

O

Ang taong mahal ako - Mahal ako na handang gawin lahat para saakin, yung taong mahal ako na kahit hindi ko siya itext , itetext pa rin niya ako, na kapag hindi ko siya itetext nalulungkot siya at sasabihin niya na hindi kumpleto ang araw niya, sa isang text ko pa lang napapa SMILE na siya, at sasabihin niya sayo na "Salamat sa Inspirasyon na binibigay mo saakin, Sana wag ka ng mawala sa buhay ko." na kapag may problema ka sasabihin niya sayo na andito lang ako pag kailangan mo ako , sinasabi niya talaga kung ano yung nararamdaman niya para sayo,kapag papasok ka sasabihin niya pwede ka ba niya ihatid, at talagang nakikita ko na ang baet niya, sa tuwing magsasalita siya ng ganyan saakin wala talaga akong masabi.


-At Last night nga talagang nagiisip na ako kung sino ba talaga ang dapat kong piliin at first I find it hard kasi nga mas matimbang yung taong gusto ko sa mahal ako pero naisip ko din na mas mahalaga yung taong mahal ako at kayang gawin lahat para saakin, kesa sa taong gusto ko na ako naman ang kailangan mag EFFORT para mapansin niya .

-Isa pa yung sa taong mahal ko I SWEAR ngayon lang ako nakakita ng lalaking ganun grabe lang never pa sa tanang buhay ko na may nagsasalita ng ganyang mga salita saakin grabe . Kaya sabi na unang makita ko pa lang siya non iba talaga may something agad pero di ko alam kung ano at eto na pala yun. Grabe . tapos siya lang din yung lalaki na pati sa mom at sis ko may care :)) hahaha kaya yun Di talaga makapaniwala, natatawa nalang ako kung minsan .

-Nung una na guiguilty ako dun sa taong mahal ako kasi nga ang baet niya saakin at mahal ako pero di ko masuklian kasi yung puso ko naka tuon dun sa taong gusto ko, pero kagabi lang habang katext ko silang dalawa nakita ko na mas may care saakin yung taong mahal ako kesa dun sa taong gusto ko kaya parang onti onti ko ng nagugustuhan yung taong mahal ako at napapansin lahat ng maganda saakin :)

-Karamihan kasi ng mga nangligaw saakin lage nilang napapansin at sasabihin "ANG GANDA MO TALAGA AYS." Pero etong ngayon iba siya never niya pa sinabi na maganda ako pero ang lagi niyang sinasabi saakin yung nararamdaman niya para
sakin , at dun talaga ako humanga sakanya.


Pero this is not the right time :) Kailangan munang kilalanin mabuti :)))

Do the right decision & make the right choice :D

No comments:

Post a Comment