Sunday, February 5, 2012

Yung Feeling na meron kang CRUSH :)

At dahil kanina pa ako nagiisip ng gusto kong IBLOG eto yung pumasok sa isip ko :) yung crush ko :D

Alam mo yung meron kang crush pero hindi niya alam na crush mo siya , minsan mas masaya kung yung crush mo crush ka din nya , at may mga pagkakataon nga na ganun pero meron din naman na yung crush mo di ka nya type aww saklap naman nun BETTER LUCK NEXT TIME XD

Ako kasi pag crush ko inaamin ko talaga dun sa tao na yun haha for me paghanga lang naman ang crush , kaso may times din na di ko nasasabi lalo pa kung di ko naman siya gaano kilala .

pero minsan nauuwi na din sa pagka INLOVE mo dun sa tao na yun una sa lahat :

  • lage mo siya iniisip
  • hindi ka makatulog
  • hinihintay mo siya mag OL
  • gusto mo siya makatext
  • yung magcomment lang siya sa post mo masaya ka
  • Like nya post mo
  • siya mauna mag-PM sayo
  • Inspired ka
  • Hindi maalis sayo ang NGITI mo abot hanggang tenga :))
  • makita mo siya Kilig ka na
  • Nahihiya ka sakanya

Symptoms yan na may CRUSH ka sa isang tao XD kaso dyan din nagsisimula na mahulog ang loob mo sakanya at yun ang mahirap iwasan .

Sa totoo lang masaya talaga na may CRUSH ka .. pero minsan masakit din kasi yung crush na yun hindi masusuklian gaya ng gusto mo mangyari hanggang tingin ka nalang sa mga pictures nya . Titig nalang ang magagawa mo kasi di ka niya gusto :/ wew haha (EXPERIENCE)


-Okay na din yung ganito atlis INSPIRED ka :) kesa naman EXPIRED XD

No comments:

Post a Comment