- Una sa lahat dapat maging malawak ka sa pag-iisip kung ano ba talaga yung gusto mo para sa sarili mo .
- Pangalawa matutong tumayo sa sariling paa at mag desisyon ng tama .
- Ikatlo i-enjoy ang mga bagay na gagawin mo sa buhay . Wag masyado seryoso baka "MA-STROKE".
- Pang-apat dapat laging sigurado wag papatay patay .
- Pang-lima matuto makisama .
- Lakas ng loob .
At natutunan ko din na bago ka pumasok sa isang desisyon siguraduhin mo na gusto mo talaga ang ginagawa mo , hindi yung basta basta ka nalang nagdesisyon tapos sa huli pala hindi ka din magiging masaya at sabi nga nasa huli ang pag sisisi,
Yung unang kurso kasi na kinuha ko nun ay BSBA major in management ang nakakapagtaka lang bakit yun ang kinuha ko eh sa tatlo kong choices wala siya dun sa HRM,TOURISM at PHARMACY. Kaya ang tanong bakit MANAGEMENT ? "Kasi akala ko hindi gaanong ma-MATH ang BA, yung pala sandamakmak na MATH pala yun. "
Nung unang sem YES! enjoy pa ako nakakaraos pa ang tataas nga ng nakuha kong grades , nung pagdating ng second sem nawala na yung saya saakin bigla akong nawalan ng gana siguro napapag isip-isip ko na nun na hindi talaga ako para sa field na yan , matagal ko din pinagiisipan kong ido-dropped ko na lahat ng subject ko oo nakakapanghinayang talaga dahil sayang sa oras ko . Pero napagdesisyunan ko na tumigil nalang muna para saakin din naman to para mahanap ko ang sarili ko at maituwid ko yung mga bagay na dapat kong ituwid .Nung una ayaw ako payagan ng Dean na umalis dahil sayang daw ang panahon at yung mga grades ko ang taas naman daw kaso yun na eh buo na desisyon ko nun kaya itinuloy ko na talaga . Alam ko halos kalahating taon din to na nasa bahay ako pero malaki talaga naitulong ng mahabang bakasyon na to atlis alam ko na ngayun kung ano ba talaga ang gusto ko at natuto na din ako magdesisyon para sa sarili ko , nai-enjoy ko na din yung mga maliit na bagay di tulad noon .
Sabi nga "LAHAT NG BAGAY KAILANGAN NG ORAS PARA MAPAGDESISYUNAN MO NG TAMA."
Oo madaming feedbacks akong narinig about sa pag STOP ko dahil isip ng iba tamad ako nagsasayang ng pera , pero hindi ako nagpadala dun kailangan kong tanggapin sasabihin ng iba dahil ito desisyon na napili ko e. Pero mayroon pa din naman mga tao na sumuporta saakin kahit papaano :) . Syempre ito naging desisyon ko kaya dapat panindigan ko to , nakakalungkot man isipin na First year ulit ako sa pasukan tapos mga classmate ko 2nd year na pero ayus lang :) Atlis alam ko na ngayon kung anong gusto ko sa buhay at kung paano magdesisyon ng tama .
Kaya "Maging matalino sa pagdedesisyon sa mga bagay bagay kasi sa bandang huli saka mo maiisip na hindi mo pala gusto ang ginagawa mo."
At pag nagdesisyon ka siguraduhin mo na papabindigan mo pag sinabi mo gawin mo !
No comments:
Post a Comment