Ako na nagsasabi sayo wala yan sa haba ng panahon minsan kahit gaano mo na katagal kakilala ang isang tao hindi ka pa din mapalagay sakanya , wala ka pa din tiwala . At hindi mo pa din masabi sakanya lahat ng saloobin mo.
Pero meron naman na kakakilala mo pa lang sa isang tao magaan na agad ang loob mo sakanya para bang lahat gusto mong ikwento sakanya dahil nagtiwala ka na agad sakanya :)
Minsan kakakilala mo pa lang sa tao parang may koneksyon na agad kahit di pa naman kayo nagkikita siguro dahil pareho kayo ng thoughts at mga hilig :)
Kaya nga WALA sa HABA NG PANAHON yan :) Nasa tao yan kung papaano mo siya kikilalanin at kung papaano mo ibibigay yung buong tiwala mo sakanya KERI LANG :)
No comments:
Post a Comment