Tuesday, January 10, 2012

Paano ba maging isang tunay na BLOGGER ??

Para sakin ang pagiging isang tunay na blogger wala yan sa galing mo mag-english, nasa nilalaman yan ng kwento mo kung may kwenta ba o wala , minsan may mga taong naininira lang talaga at gusto ka nilang i-down . Sasabihin nila "ANG PANGET NAMAN NG BLOG MO " - at yes naranasan ko na masabihan ako ng ganyan pero wala ako pake :> INSECURE ATA ?? TEH ?? okay ka lang ??

bilang isang blogger dapat yung mga nais mo ipakita at sabihin ilabas mo dahil dito ka makikilala ng mga tao na bumabasa ng blogs mo , dito nila malalaman kung ano ka at sino ka MATUTO KANG MAGPKATOTOO ".

Dapat yung blog mo hindi:
  • Boring
  • Wag lage malungkot kasi sa sobrang kalungkutan mo eh masasanay na sila sayo at parang magsasawa na sila sa pagbabasa ng blog mo (I ADMIT GANYAN AKO MINSAN lage malungkot).
  • Dapat makakapagbigay aral sa mga mambabasa.
  • Maging maingat din sa mga salitang bibitawan mo.
  • Magpakatotoo ipakilala ang iyong sarili.
  • Ipakita mo kung ano ang kahalagahan ng buhay .
  • Maging masaya , kasi ang masayang BLOG magbibigay inspirasyon sa mga mambabasa.
  • Magiwan ng mga makabuluhang salita na tatak sa isipan ng mga tao.
  • Maging matiyaga sa pag tatype :))
  • Maging handa lage sa mga taong gusto kang sirain at hilahin pababa.
  • Pahabain ang pasensya .


Yan share ko lang sainyo alam ko naman na hindi lahat ng tao kaya kong i-please sa lahat ng sinusulat ko sa BLOG ko pero may isa lang akong gustong sabihin . "Eto ang tunay na ako hindi mo ako mababago ,at hindi mo din kailangan magbago para sa isang tao dahil kung talagang mahalaga ka sakanya tatanggapin ka niya ng buong-buo". :)

No comments:

Post a Comment