Hindi ba’t nakakatuwang isipin na sa hinaba-haba ng kabitteran mo nang dahil sa paghihiwalay niyo, sa dinami-dami ng mga luhang nilabas mo nang dahil sa pagkamiss mo sa kanya, eh kayo rin pala sa huli.
May sagot ako sa title ng post na to. Bakit pa nagbreak kung magkakabalikan din? Kung si Vice Ganda, malamang ang isasagot niya diyan, “Alangan namang magkabalikan kung hindi nagbreak, tanga?”. Hehe! For me, DAPAT lang na pagdaanan sa isang relationship ang BREAK UP. Kailangang mapagdaanan na malayo muna sa isa’t isa, makapag-isip isip, mabitter, umiyak, isumpa ang nakapanakit at yung halos mabaliw na. Kasi dun mo lang marerealize kung gaano mo siya kamahal, kung ano ang mga kaya mong gawin maging maayos lang kayo ulit, kung gaano siya kahalaga sayo at kung gaano ka kamiserable nang wala siya sa buhay mo.
Ang sarap lang sa pakiramdam na sa kabila ng lahat, hindi niyo parin matiis ang isa’t isa. Ilang tao na ang dumaan sa buhay mo, pero siya parin ang gusto mong makasama, sa kanya ka masaya. Kahit mas marami ang nakakaangat sa kanya, siya parin ang gusto mo.
Natutuwa ako kapag may mga nababalitaan akong nagbabalikan. Sobra ang hanga ko kasi hindi sila natatakot masaktan ulit. Susugal sila ng malaki mabigyan lang ng pangalawang pagkakataon na maging masaya ulit sa taong yon.
Para sa akin mas mahalaga ang SECOND CHANCE kesa sa noong una, dahil ngayon mas magiging maingat ka na, yung mga bagay na naging dahilan ng paghihiwalay niyo dati iiwasan mo na, mas pahahalagahan mo na siya kasi alam mo na ang pakiramdam ng wala siya sa buhay mo. Mas mamahalin mo siya, mas aalagaan, basta lahat ng MAS.
Sa mga taong nabigyan at nagbigay ng pangalawang pagkakataon, patunayan niyo na LOVE IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND. Lahat ng mga binigay niyo dati, higitan niyo. Dahil minsan lang yan, tandaan niyong hindi lahat nabibigyan niyan. Kaya huwag ninyong sayangin.
-Nirepost ko lang ang galing kasi hanga ako sa mga ganitong relasyon :D
Via Tumblr icantspellyou
Saturday, January 21, 2012
MAS MABUTI NANG DITO KA TUMAMBAY, KAYSA SA KANTO.: BAKIT PA KAYO NAGBREAK KUNG MAGKAKABALIKAN DIN NAMAN KAYO?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment